Saturday, August 23, 2008

Rafael Ting or Iñaki Manyakis?


Rafael Ting - The Stage Performer

Dapat nga bang tawaging manyakis itong si Rafael Ting or mas kilala sa Iñaki ng Pinoy Dream Academy Season 2?

Kung pagbabasehan ang mga ginawa niya sa loob ng Dream, e talagang manyak nga. At sinong minamanyak? Si Interior Designer Cris Pastor. Naiinis lang ako kasi pinapakita niyang isip bata siya. Kunsabagay, 18 lang siya pero hindi iyon gawain ng matinong binata. Nung umamin siya ng may feelings siya kay Cris, tila ang feelings na iyon ay lust at hindi love. Hanggang sa tuwing napapanood ko siya gabi-gabi ay tila nag-iiba ang approach niya kay Cris. KSP kumbaga, gusto lagi siyang napapansin ni Cris. Aminin na natin, malakas ang appeal ni Cris Pastor sa mga kalalakihan. Nguni't kung iyong pagmamasdan, tila palaban itong babaeng ito kaya tigas din ng mukha ni Iñaki para umiskor sa kanya. Kung napanood ninyo ang pagnanakaw ng halik niya, e talagang nagulat si Designer. Dahil nagpapahilot lang naman ng masakit niyang ulo e tila umandar na naman ang kamunduhan ng lalaking ito. Pero actually, I think hindi siya talaga tinawag ni Cris para magpahilot, nagprisinta siya. Ang latest ay ang kanilang night swimming. Sumimple pa ng yakap si taba bago ibinaliktad kay Cris sa pool ang kanyang "inflatable bed". (Para maka iskor ulit) Ayun nagreklamo na nahipuan siya sa dibdib at bara naman si Taba na wala daw siyang naramdaman. Tila nang-iinsulto pa. Aba naman. Ngayon dahil pakiramdam niya ay siya na ang lalabas (totoo naman, dapat na siyang lumabas) gusto niyang "makapiling" sa huling sandali si Cris. Nakupo, mukhang may hindi magandang plano si Taba. Sayang lang ang talento ni Iñaki kung hindi niya kayang displinahin ang sarili niya.

Kaya paglabas mo Iñaki, prepare yourself sa mga intrigang ibabato sa iyo. Grabe sikat ka na! Sikat sa mga kalokohang ginawa mo. Goodluck!

Watch Pinoy Dream Academy Primetime Mon-Fri after My Girl and Uberture sa hapon.
Saturday and Sunday is Live Gala Night. Support your favorite Dreamers!

(Pictures courtesy of Pinoy Dream Academy)

No comments: