Why do we love ba?
So we can have somebody to talk to?
Someone who can be there kapag gusto natin gumala?A person na pwedeng manlibre sa atin?ALALAY for short
Eh pano kung di ka niya mahal?
Would you still love him/her?
Would you still continue to care for that person?Bkit nman hindi?
You didn’t love that person para magkaroon ka ng alalay, magkaroon ka ng instant meal dahil libre, taong gagawa ng assignments mo or project, or taong mahihila mo if you want to go out If that’s what you think about love well sorry ang BABAW mo
Loving a person doesn’t need to have a criteria na dapat maganda o gwapo, dapat mabait or understanding, kasi once you fall inlove you take the risk of accepting that person kahit maingay siya matulog, yung hilik ng hilik, kahit matakaw siya o sobrang fat na hindi na kayo kasya pag puno ang jeep! Kahit sobrang moody niya, kulang na lang ay sapakin m sa inis! Yung sobrang selosa/seloso na pati barkada pinagseselosan badtrip diba? and yung napaka-arte OA kung baga!Hirap talaga magmahal trying to be PERFECT kasi gusto mong magtagal pero hindi yun ang sagot sa lahat ACCEPTING the real person fully Kasi if you said na mahal mo siya you don’t need to find answers kung bkait mo siya mahal kasi lahat ng tao nagbabago but if you accept that person magbago man siya in the middle of your relationship hindi ka masasaktan kasi you know that darating yun tsaka tanggap mo siya ng buo mahirap gawin pero masarap subukan dahil wala ng sasaya pa if you let one person feel na MAHAL na MAHAL mo siya without asking anything in return Then you can say wow un pala ang love Being happy doesn’t mean everything’s perfect.It means you’ve decided to see beyond the imperfections Nakakatawa talaga ang love.Isa siyang pakalaking oxymoron.Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.Ang labo diba? Pero ang linaw Masaya magmahal Malungkot magmahal Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo Walang rason,Maraming rason Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin Masakit magmahal Pero okey lang Leche! Ano ba talaga?!May kaibigan ako, sabi niya dati “love is only for stupid person” Nakakatawa kasi laude and standing niya,pero dumating ang panahon, na-inlove din ang HUNGHANG,at ayun,TANGA na siya ngayon Lahat kasi ng hahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kya paminsan, nagiging moron lang Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig Lahat ng bagay nababaliktad din niya Lahat ng malakas na tao, humihina, Ang mayayabang, nagpapakumbaba Ang mga walang pakialam,nagiging mother teresa Ang mga henyo,nauubusan ng sagot Ang malulungkot,sumasaya Nakakatawa talaga,lalo na kapag dumating siya sa mga taong ayaw talaga magmahal. Napapansin ko nga eh.Parang kung gusto mo lang ma-inlove ulit,sabihin mo lang ang magic words na “ayoko na ma-in love” biglang WACHA!Ayan na siya,nang-aasar,Magpapaasar ka naman Di na nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao,ang galing galing mo?Pero pag problema mo na yung pinag-uusapan Parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun s a namomroblemang tao?Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinasabi mo Pero bakit parang wala ring tama?Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig “ngayon ko lang nalaman,ganito pala Sabi ko na eh,ang sarap mabuhay Pwede na ko mamatay.Now na!”At hindi lang yon.Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.Tapos kapar luray-luray na yung puso nila,siyempre hindi sila yung may kasalanan Siya!“Bakit niya ako sinaktan?”may kasama pang pagsuntok sa pader yon at pagbagsak ng pinto Hayop talaga Mauubos ang buong magdamag k kakasabi ng mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-uusapan.Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong masasabi ko nang eksperto na ako.Pero wala pa rin akong alam Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline
No comments:
Post a Comment