Nang dahil sa kapirasong papel, maraming buhay ang nawala...
Nagsimula ito sa tinatawag na Bangsamoro Juriducal Entity Memorandum of Agreement o mas kilala sa tawag na MOA o BJE sa pagitan ng Gobyerno at ng Rebelde.
Ang Gobyerno naman tila nababaon na sa kaliwa't-kanang problema. Korapsyon, kalamidad, mga rebelde at iba pa. Sa problema nila sa mga rebelde, tila isa pa ang gobyerno sa naduduwag pagdating sa usapang iyan. Usaping pangkapayapaan ang ginagawa nilang solusyon sa problemang ito. Nguni't tila napurnada ang kanilang "deal" dahil sa ilang mga dahilan kaya nag-alburoto ang MILF. Sa totoo lang, hindi lahat ng muslim ay pabor sa pagpapalawak ng BJE kaya nagkaroon problema sa pagitan ng Gobyerno at Rebelde.
Para sa akin, tama ang sinasabi ng ilang tao na dapat ang Gobyerno ang masunod. Kung ikaw ang magulang sa isang bahay, papayag ka ba na utusan at bastusin ng anak mo? Parang ganoon ang nangyayari. May sarili tayong batas na sinusunod, nariyan naman ang ating militar para displinahin ang mga rebeldeng iyan. Hindi ko lang masikmura ang ginawa ng dalawang kumander ng MILF, si Umbra Kato at Bravo na tila nagtatago sa kanilang mga armas at mga tauhan. Hindi rin kapani-paniwala ang sinabi ng MILF na hindi nila alam ang ginagawa ng mga tauhan nila. Kung ganyang ang inaasal nila, malamang ay kulang ang kakayahan nilang magpatakbo ng isang bansa.
Sana matapos na ang mga walang kwentang away sa mga Lupang yan, hindi naman nila madadala iyan sa kanilang kamatayan. Kung kinakailangan ubusin ang mga rebelde, wag ipakita ng gobyerno ang kahinaan nila. Mga nag-rarally lang ba ang kaya nilang pigilan? Ipakita sana ni Gloria ang lakas ng kanyang liderato, ipakita niya kung paano siya mamuno. Wag siyang mag-alaga ng traydor sa sarili nating bansa at sa loob ng Malakanyang.
-ANO BA ITO?-
Ito daw ang sinasabing awtonomiya ng mga kabababayan nating mga muslim. Lupang Pangako ang sigaw nila. Sa pagkakaintindi ko dito, gusto nilang humiwalay sa bansang pilipinas, ngunit paano nila gagawin iyon? Mas sapat ba silang kakayahan para magpatakbo ng isang bansa? Kung mangyayari yun, baka pupunta ka lang ng Mindanao, hingan ka pa ng passport. Marahil gusto nilang bawiin ang kanilang lupang dati ay pag-aari ng kanilang mga ninuno. Noong napanood ko ang Bagong Buwan ni Cesar Montano, doon ko nakita ang dalawang uri ng pwersa sa Mindanao, mga bandido at mga rebelde. Ang mga bandido daw ay iyong tulad ng mga abu sayaff na puro kaguluhan ang dinadala sa Mindanao at ang mga rebelde ay prinsipyo ang ipinaglalaban. Nguni't tila sumobra yata ang kanilang ipinaglalaban. Kamakailan lamang ay nilusob nila ang isang lugar sa Cotabato na kumitil ng ilang sibilyan at dumukot ng ilang mga inosenteng tao. Kung prinsipyo ang ipinaglalaban nila, bakit tila naduwag ang kanilang liderato at ginawang pananggalang ang mga taong walang kamalay-malay.
Ang Gobyerno naman tila nababaon na sa kaliwa't-kanang problema. Korapsyon, kalamidad, mga rebelde at iba pa. Sa problema nila sa mga rebelde, tila isa pa ang gobyerno sa naduduwag pagdating sa usapang iyan. Usaping pangkapayapaan ang ginagawa nilang solusyon sa problemang ito. Nguni't tila napurnada ang kanilang "deal" dahil sa ilang mga dahilan kaya nag-alburoto ang MILF. Sa totoo lang, hindi lahat ng muslim ay pabor sa pagpapalawak ng BJE kaya nagkaroon problema sa pagitan ng Gobyerno at Rebelde.
Para sa akin, tama ang sinasabi ng ilang tao na dapat ang Gobyerno ang masunod. Kung ikaw ang magulang sa isang bahay, papayag ka ba na utusan at bastusin ng anak mo? Parang ganoon ang nangyayari. May sarili tayong batas na sinusunod, nariyan naman ang ating militar para displinahin ang mga rebeldeng iyan. Hindi ko lang masikmura ang ginawa ng dalawang kumander ng MILF, si Umbra Kato at Bravo na tila nagtatago sa kanilang mga armas at mga tauhan. Hindi rin kapani-paniwala ang sinabi ng MILF na hindi nila alam ang ginagawa ng mga tauhan nila. Kung ganyang ang inaasal nila, malamang ay kulang ang kakayahan nilang magpatakbo ng isang bansa.
Sana matapos na ang mga walang kwentang away sa mga Lupang yan, hindi naman nila madadala iyan sa kanilang kamatayan. Kung kinakailangan ubusin ang mga rebelde, wag ipakita ng gobyerno ang kahinaan nila. Mga nag-rarally lang ba ang kaya nilang pigilan? Ipakita sana ni Gloria ang lakas ng kanyang liderato, ipakita niya kung paano siya mamuno. Wag siyang mag-alaga ng traydor sa sarili nating bansa at sa loob ng Malakanyang.
No comments:
Post a Comment