Wednesday, August 20, 2008

Sasakyan ng Kamatayan


Oops! Hindi karo ng patay ang ibig kong sabihin. Ito ang mga pampasaherong jeep na karaniwan ay byaheng Antipolo at Binangonan. Sa totoo lang, dito lang sa Rizal nauso ang mga jeep na ganyan, equipped with high sound at lowered pa. Bakit? Kasi ang mga pasimuno nyan ay ang Hebron, LGS, Marinel, Mel-Ford at iba pa na nakabase sa Rizal.

  • Sasakyan ng kamatayan?
Bakit nga ba? Kung taga-Antipolo, Maynila o taga-Binangonan ka maiintindihan mo kung bakit.
Nandito ang mga dahilan:

Napakabilis magpatakbo na akala mo hinahabol ng pulis o LTO sa daan. Lumilipad kumbaga. Napakahilig umovertake at minsan malapit na ang kasalubong na sasakyan, aariba pa rin. Akala mo hari sa kalsada may mga busina pang maiingay na nakakatawa pero minsan nakakabastos. Dati yatang driver ng ambulansya. May iba pang driver na pinaghahagisan ang mga pasahero kaya yung iba nagsisigawan sa loob, kala mo nasa roller coaster ka. May mga driver naman na hindi mo alam kung may lisensya paano ba naman, pepreno lang susubsob ka pa, mabigat yata ang paa. Isa pa, sobrang lakas ng tugtog sa jeep na halos di na kayo magkarinigan ng mga kasama mo pero hahanga ka sa mga driver at kundoktor. Akalain mong maririnig ka parin kahit nasa dulo ka pa ng upuan, palibhasa pera ang involved. Kaya lang minsan nakakasawa ang mga sounds nila, puro nalang rap, hip-hop minsan bastos pa ang mga kanta. Meron namang nagpapatugtog ng mga love songs kaya lang intro lang pala, biglang nagkabeat ang love song, babuyan ng kanta. Nakupo! May mga driver naman na napakabunganga na hindi mo maintindihan. Bakla yata, loko sila. Pag sabado at linggo wala daw estudyante, kung linggo pwede pa pero paano naman ung mga kolehiyong nag-aaral araw-araw. Kahit may ID ka na kung anu-ano pa ang sasabihin, kesyo maawa naman daw tayo sa kanila, tarantado pala sila e. Para saan pa ang fare matrix kung hindi naman susundin, grabe. Mas marunong pa sila sa estudyante, alam kung papasok o hindi.

Pero hindi ko naman nilalahat ang mga tsuper. May ilan din namang mababait. Ako, mahilig din akong sumakay sa mga patok, kasi ang isang oras mong byahe, 20 minutes lang sa kanila, diba sulit, with music pa na kung minsan, mga favorite mo pa ang mga tugtog. Kaya sa mga driver, ingatan nyo naman ang mga pasahero niyo. Hindi naman ako tutol sa mga patok kaya lang ingat parin dahil ang sakuna walang pinipiling oras at lugar. Pero still, onli in da Philippines, sana maexperience din ng mga foreigner ang patok na jeepney....

1 comment:

Anonymous said...

sa montalban talaga nagsimula yan, mga gawang morales at crissan. sumunod lang marikina, antipolo, cogeo at binangonan.